300% hike sa pensiyon ng beterano aprubado
MANILA, Philippines — Aprub na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong itaas nang 300 percent ang pensiyon ng mga war veterans.
Mula sa kasalukuyang P5,000, gagawing P20,000 ang buwanang pensiyon ng mga beteranong lumaban sa giyera.
Lahat ng 20 senador na dumalo sa sesyon kahapon ay sumang-ayon na ipasa ang panukala na mapapakinabangan ng nasa 6,000 eligible senior veterans na lumaban noong World War II, Korean War at Vietnam War.
Kasama sa makakatanggap ng P15,000 increase ang mga nabubuhay pang senior veterans na hindi tumantanggap na pensiyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Pero hindi maaring itaas ang pensiyon kung dependents na lamang ang tumatanggap nito. Sakaling mamatay ang beterano, P5,000 buwanang pensiyon pa rin ang matatanggap ng surviving spouse.
- Latest