Inflation rate pumalo pa sa 6.7%

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Usec. Lisa Grace Bersales, ang 6.7 percent inflation rate ang pinakamabilis simula noong February 2009 na nakapagrehistro ng 7.2 percent.
File

MANILA, Philippines — Pumalo sa 6.7 percent ang inflation rate sa bansa sa nakalipas na buwan ng Setyembre.

Mas mataas ito kum­para sa 6.4% noong nakaraang Agosto.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Usec. Lisa Grace Bersales, ang 6.7 percent inflation rate ang pinakamabilis simula noong February 2009 na nakapagrehistro ng 7.2 percent.

Sabi ni Bersales, pina­kamataas na naitalang data ay sa Bicol region na may 10.1 percent habang ang lowest naman ay sa Central Luzon na mayroon lamang 4.5 percent.

Samantalang ang Metro Manila ay may mabagal na inflation kung ihaham­bing sa average ng ating bansa.

Ang inflation rate ay sukatan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa mga partikular na lugar.

Gumagawa naman ng hakbang ang gobyerno upang malabanan ang mataas na presyo ng bilihin sa mga basic commodities.

Show comments