Simoy ng Pasko mararamdaman na
MANILA, Philippines — Unti-unti nang pumapasok ang malamig na simoy ng Pasko sa bansa.
Ito ayon sa PAGASA ay dahil ang habagat o ang southwest monsoon ay opisyal ng natapos at nawala na at unti-unti na itong pinapalitan ng hanging amihan o malamig na panahon.
Sinabi ni PAGASA Administrator Vicente Malano na noong nagdaang mga araw pa ay nasuri nilang unti-unti nang humihina ang habagat hanggang sa ito ay mawala na sa ating bansa.
“With this development, the southwest monsoon season or known locally as ‘habagat’ has ended, and that the the northeast monsoon or “amihan” season can be expected in the coming days,” dagdag ni Malano.
Bunga nito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na ingatan ang kalusugan dahil sa pagbabago ng panahon ay karaniwang dumarami ang nagkakasakit na mga Pinoy tulad ng sipon, ubo at iba pa pag malamig ang panahon.
- Latest