Duterte tumaya sa P900-M lotto
MANILA, Philippines — Maging si Pangulong Duterte ay nag-aambisyong mapanalunan ang tinatayang P900 milyong 6/58 lotto jackpot matapos tumaya ito para sa nasabing draw mamayang gabi (Biyernes).
Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa panayam ng Malacañang reporters, maging siya ay tumaya rin sa ?6/58 Ultra lotto draw.
Ayon kay Go, ang tinayaan ni Pangulong Duterte ?ay 18 combinations na may kahalong lucky pick habang 2 combinations lamang ang kanyang tinayaan.
Sa isang lotto outlet dito sa Metro Manila nagpataya sila ni Pangulong Duterte na kung sakali’t palarin ay ilalaan nila ang mapapanalunan para sa kanilang Malasakit Center program.
Binigyang-diin ni Go na hindi na bago ang pagtaya nila sa lotto ni Pangulong Duterte dahil ginagawa na nila ito sa nakalipas na limang taon.
Magugunita na sa nakaraang 6/58 draw noong Martes ay tumaya rin si Davao City Mayor Sara Duterte.
Ayon kay Sara, kapag siya ang tumama kabilang sa bibigyan niya ng balato ay si Sen. Antonio Trillanes IV upang may pambayad na raw ito sa attorney’s fee sa kakaharapin niyang mga kaso.
- Latest