^

Bansa

Mocha pinagpapaliwanag ng Ombudsman sa ‘Pepe-dede-ralismo’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mocha pinagpapaliwanag ng Ombudsman sa âPepe-dede-ralismoâ
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kaila­ngang makapagsumite ng komento si Uson hinggil dito gayundin si PCOO Secretary Martin Andanar.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng tanggapan ng Ombudsman si dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson kaugnay ng kontrobersyal na “Pepe-dede-ralismo” dance campaign na umani ng mga pagbatikos sa social media kamakailan.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kaila­ngang makapagsumite ng komento si Uson hinggil dito gayundin si PCOO Secretary Martin Andanar.

Ang reklamo sa Ombudsman ay nag-ugat sa kontrobersyal na “Pepe-dede-ralismo” dance campaign at malaswang sign language kasama ang kanyang BFF blogger na si Drew Olivar.

Binigyang diin ni Ombudsman Martires, noong nagdaang September 28 pa nila inabisuhan si Uson na magkomento hinggil sa reklamo.

Nilinaw naman ni Martires na kahit nagbitiw na sa puwesto si Uson, nakasaad sa general rule na ang resignation ng sinumang opisyal ng gobyerno ay hindi maituturing na lusot na mula sa criminal at administrative proceedings. 

Patuloy anya ang gagawing pagbusisi ng Ombudsman sa kaso kahit wala na sa gobyerno si Uson matapos magbitiw kamakalawa.

Related video:

MOCHA USON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with