^

Bansa

Seguridad sa COC filing ikinakasa na ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa COC filing ikinakasa na ng PNP
Sinabi ni PNP Chief, P/Director Gen. Oscar Albayalde na ang maagang pagkakasa sa seguridad ay bahagi ng proactive measure upang mapigilan ang pagdanak ng dugo kaugnay ng pagsusumite ng COC sa Comelec sa Oktubre 11-17, 2018.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dahil umiinit na ang banggaan sa pulitika at magsisimula na ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato, ikinakasa na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad upang tiyakin na magiging malinis at mapayapa ang gaganaping mid-term elections sa susunod na taon.

Sinabi ni PNP Chief, P/Director Gen. Oscar Albayalde na ang maagang pagkakasa sa seguridad ay bahagi ng proactive measure upang mapigilan ang pagdanak ng dugo kaugnay ng pagsusumite ng COC sa Comelec sa Oktubre 11-17, 2018. 

“Early preparations to assume election duty in the forthcoming five-month election period for the 2019 midterm elections that will commence on January 13, 2019 until June 12, 2019,” pahayag ni Albayalde.

Sinabi nito na tiwala siyang sa pamamagitan ng maagang paglalatag ng seguridad ay magiging matiwasay ang halalan sa Mayo 2019.

Samantala, patuloy din ang paglalansag sa mga Private Armed Groups (PAGs) at pagkumpiska sa mga loose firearms upang hindi ito magamit sa karahasan.

COC FILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with