19 eskwelahan pinasok ng NPA - AFP

Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Antonio Parlade, namonitor ng AFP na pina­lakas pa ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang kanilang recruitment sa mga kolehiyo at unibersidad sa National Capital Region (NCR).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinukoy na kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 19 kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila na aktibo ang recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga estudyante kaugnay ng ikinakasang ‘Red October’ plot upang patalsikin sa kapangyarihan si Pa­ngulong Duterte.

Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Antonio Parlade, namonitor ng AFP na pina­lakas pa ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang kanilang recruitment sa mga kolehiyo at unibersidad sa National Capital Region (NCR).

Kabilang sa mga kolehiyo at unibersidad na aktibo ang pagre-recruit ng NPA ay ang University of the Philippines (UP) Diliman, UP Manila, Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta Mesa; Ateneo de Manila University,  Dela Salle University, University of Sto. Tomas, Adamson University, Far Eastern University, University of the East Recto at University of the East Caloocan.

Gayundin ang Adamson University, Emilio Aguinaldo College, Earist Eulogio Amang Rodriguez Institute, San Beda University, Lyceum, University of Makati, Caloocan City College, University of Manila at Philippine Normal University.

Dahil dito, pinaalalahanan naman ni Galvez  ang mga magulang ng mga kabataang estudyante na bantayan at payuhan ang kanilang mga anak upang hindi malinlang sa talamak na recruitment activites ng NPA rebels.

Sinabi ni Parlade na posibleng hindi alam ng mga school officials na ang ilang mga aktibidad sa kanilang paaralan ay ginagamit ng mga komunista para ma-kondisyon ang utak ng mga estudyante na sumapi sa kanilang kilusan.

Ang Red October ay ang ouster plot umano ng CPP-NPA, grupo ng oposisyon tulad ng Movement Against Tyranny, Tindig Pilipinas at iba pa upang ibagsak ang administrasyon.
Inihalimbawa  ni Parlade ang film showing sa ilang mga paaralan tungkol sa panahon ng Batas Militar sa ilalim ng rehimen ng yumaong si dating P­angulong Ferdinand  Marcos na naghari sa bansa ng 20 taon na inihahalintulad si Pangulong Duterte bilang diktador.

“May on going film showing sila about dark years of Martial Law sa mga class to incite students to rebel against the government, incite resurgence of First Quarter Storm experience among students, while projecting President Rodrigo Roa Duterte as the new Marcos,” anang opisyal.

Show comments