Murang kuryente, nasa 5 probinsiya na
MANILA, Philippines — Patuloy na tinutupad ng Solar Para sa Bayan (SPSB) ang pangako nitong maghatid ng tuloy-tuloy na daloy ng kuryente sa nakararaming Pilipino na makakatikim ng ganitong magandang serbisyo sa unang pagkakataon.
Nang nakaraang buwan, inihayag ng SPSB na ito ay maghahatid ng ?24/7 o tuloy-tuloy na elektrisidad ?sa 12 bayan sa mga lalawigan tulad ng Mindoro, Palawan, Masbate, Cagayan, at Aurora para mapakinabangan ng may 200,000 katao, ang unang pagkakataon na sila ay magkakaroon ng kuryente na walang gastos ang gobyerno.
Dalawa sa lalawigan na ito--ang Aurora at Cagayan--ang matinding tinamaan ng bagyong Ompong.
Ayon kay Solar Para Sa Bayan President Leandro Leviste: “Kami ay nagpapasalamat sa suporta ng mahigit na 20 munisipalidad na nagpasa ng resolusyon na nag-eendorso sa Solar Para Sa Bayan bilang magandang alternatibo sa pagkakaroon ng mura, malinis at maasahang daloy ng kuryente na walang gastos ang gobyerno. Kung papayagan lamang ang pagkakaroon ng tunay na kumpetisyon sa power industry, walang Pilipino ang kailangang magtiis pa sa walang kwentang electric service kahit kailan.”
Matapos makumpleto ang pinakamalaking Solar Minigrid sa Southeast Asia na nakatayo ngayon sa Paluan, Mindoro noong March 2018, ang Solar Para Sa Bayan ay nag-apply ng prangkisa para maihatid ang serbisyo nito sa mas marami pang Pilipino sa iba’t ibang parte ng Pilipinas na nagnanais ng mas maganda at maayos na electric service.
- Latest