MANILA, Philippines — Umusad na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong amiyendahan ang 11-taong Human Security Act kung saan gagawing 30 araw ang parusang pagkabilanggo sa mga mapaghihinalaan pa lamang na mga terorista mula sa kasalukuyang 72 na oras o tatlong araw base sa isinasaad ng Revised Penal Code.
Nais ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, nagsusulong ng panukala, na mas magkaroon ng ngipin ang batas laban sa terorismo.
Sinabi ni Lacson na mismong ang mga law enforcers at militar ang humiling na palawigin ang panahon kung kailan maaring ikulong ang isang suspek upang mas maging malalim ang kanilang imbestigasyon.
Ayon pa kay Lacson, susundin pa rin ang rules sa “warrantless arrest” at hindi basta-basta mangdadampot ng mga pinaghihinalaang terorista.