^

Bansa

Kulong sa mapaghihinalaang terorista gagawing 30 araw

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umusad na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong amiyendahan ang 11-taong Human Security Act kung saan gagawing 30 araw ang parusang pagkabilanggo sa mga mapaghihinalaan pa lamang na mga terorista mula sa kasalukuyang 72 na oras o tatlong araw base sa isinasaad ng Revised Penal Code.

Nais ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, nagsusulong ng panukala, na mas magkaroon ng ngipin ang batas laban sa terorismo.

Sinabi ni Lacson na mismong ang mga law enforcers at militar ang humiling na palawigin ang panahon kung kailan maaring ikulong ang isang suspek upang mas maging malalim ang kanilang imbestigasyon.

Ayon pa kay Lacson, susundin pa rin ang rules sa “warrantless arrest” at hindi basta-basta mang­dadampot ng mga pinaghihinalaang terorista.

HUMAN SECURITY ACT

PANFILO LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with