^

Bansa

Walang EJK - PNP

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Walang EJK - PNP
Ito ang nilinaw at bi­nigyang diin kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde matapos bumaha ng mga negatibong reaksyon ang tila pag-amin ni Pangulong Duterte na EJK lang ang kaniyang ta­nging naging kasalanan sa bayan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hindi iniutos ni Pa­ngulong Duterte na pata­yin ang mga drug suspects at walang nagaganap na extra judicial killings (EJKs) sa bansa!

Ito ang nilinaw at bi­nigyang diin kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde matapos bumaha ng mga negatibong reaksyon ang tila pag-amin ni Pangulong Duterte na EJK lang ang kaniyang ta­nging naging kasalanan sa bayan.?

“Ano kasalanan ko? Nagnakaw ba ko diyan ni piso?... Ang kasalanan ko lang, yung mga extrajudicial killings,” pahayag ni Pangulong Duterte noong Huwebes.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat ga­wing literal ang konteksto sa EJK statement ng Pangulo gayung ang binibigyang diin aniya duon ay hindi kailanman nagnakaw sa kaban ng yaman ang Pangulo.

Idinagdag pa ni Roque na hindi rin maituturing na self-incriminating ang ginawa ng Presidente dahil hindi naman ito sinabi sa isang sinumpaang salaysay.

Ayon naman kay Albayalde, maaari umanong dahilan lang sa sobrang pagkadismaya kaya sinabi ito ng Pangulo dahil sa kaliwat kanang batikos na natatanggap ng pamahalaan mula sa mga kritiko

Ayon pa kay Alba­yal­de, ang salitang “extra judicial killings” ay mas­yado na ring inabuso at nakasanayang gamitin sa lahat ng mga namamatay sa war on drugs kahit na hindi naman “state sponsored” ang pagkamatay ng mga drug personalities.

Binigyang-diin ni Albayalde na kahit noong siya pa ang NCRPO chief ay walang kautusan na inilabas si dating PNP chief Ronald dela Rosa na patayin ang mga mahuhuling drug pusher at drug addict.

Bagaman inamin ni Albayalde na may mga kaso ng pamamaslang na kinasasangkutan ng ninja cops na itinutumba ang kanilang mga assets para hindi makapagturo ay hindi ito normal na gawain ng isang matinong pulis.

Ikinatwiran pa ni Albayalde na hindi talaga maiiwasan na may namamatay sa giyera kontra droga lalo na kung nanlalaban ang mga suspek pero iginiit na ang 4,854 napatay sa drug war simula  Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 31, 2018 ay maliiit na porsi­yento lamang sa mahigit 160,000 naarestong drug personalities ng PNP.

Ipinagmalaki pa ni Albayalde na sa katunayan ay inspirado ang kapulisan sa drug war kung saan lumilitaw sa katatapos na Social Weather Station survey na 78% ng mga Pinoy ang pabor sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

vuukle comment

EXTRA JUDICIAL KILLINGS

OSCAR ALBA­YALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with