MANILA, Philippines — Giniit nina suspended Abra Mayor Jendricks Luna at Vice Mayor Joy Chrisma Luna sa Sangguniang Panlalawigan na ibasura ang kanilang kasong administratibo na nakasampa sa lalawigan na may kinalaman sa road construction project sa Abra.
Kasong dishonesty at grave misconduct ang naisampa laban sa dalawang opisyal ni Lagayan, Abra Councilor Noel Cortez dahil sa 20 proyektong naisagawa sa lalawigan na tatlo umano dito ay non-existing.
Ang tatlong proyekto na napondohan ng Internal Revenue Allotment (IRA) allocation para sa 4th quarter ng taong 2016 at 2017 na non existing ay ang Bai-Nagba road sa Barangay Ba-I, Collaga-Lucgay road sa Barangay Collaga at Poblacion Lagayan-Dagsianan road sa Barangay Poblacion.
Ayon sa mga respondents, wala umanong naipakitang ebidensiya ang complainant at tanging mga larawan ng unimproved roads ang ipinakita nito.