MANILA, Philippines — Nasa 80 percent ng Filipino ang kuntento sa war on drugs ni Pangulong Duterte batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa latest SWS survey nitong ?June 27-30 sa may 1,200 respondents ay nasa 78 percent ang satisfied sa kampanya ng Duterte government laban sa illegal drugs habang 13 percent naman ang hindi kuntento.
Mas mataas ang satisfaction ratings na ito kumpara sa resulta noong March 2018 survey.
Mas mataas din ang nakuhang satisfaction rating ni Pangulong Duterte kaysa sa kanyang war on drugs kung saan lumitaw ito na +59.
Ikinatuwa naman ng Malacañang ang resulta ng nasabing survey na nagpapakita na mas maraming kuntento na Filipino sa kampanya laban sa illegal drugs ng Pangulo.
“We welcome the latest SWS survey showing 78 percent satisfaction with administrstion’s campaign against illegal drugs,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.
“This is a testament that the drug was continues to enjoy the broad support of our people, notwithstanding the efforts of the detractors and critics of the administration to politicize the issue or discredit the campaign’s success,” dagdag pa ni Roque.