Rescue sa Cebu landslide patuloy

Nabatid na gumamit na ng thermal scanner ang mga rescuers sa pag-detect ng buhay sa ilalim ng lupa. Kaya umano ng thermal scanner o infrared camera na maka-detect ng heartbeat ng isang tao sa ilalim ng gumuhong lupa.
File

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 45 ang nasawi sa landslide sa Naga City, Cebu habang 34 pa ang patuloy na hinahanap.

Nabatid na gumamit na ng thermal scanner ang mga rescuers sa pag-detect ng buhay sa ilalim ng lupa. Kaya umano ng thermal scanner o infrared camera na maka-detect ng heartbeat ng isang tao sa ilalim ng gumuhong lupa.

“We’re hopeful that there are survivors this is why we’re not stopping. We have so many spotters now in the area and some residents are also here to guide and help,” sabi ni Baltz Tribunalo, head ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction Management Office. 

Base sa ulat, sinamantala ng search and rescue team and magandang panahon kahapon kaya patuloy ang kanilang pag­huhukay sa mga natabunang kabahayanan sa Sitio Sindulan, Brgy. Tina-an at ilang bahagi ng Brgy. Naalad ng nasabing siyudad.

Samantala, nagkaroon ng forced evacuation sa mga residente sa natu­rang lugar para masiguro ang kanilang kaligtasan.  

Show comments