Bagong bagyo papasok sa PAR ngayong Linggo
MANILA, Philippines — Inaasahang papasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Linggo ang bagong tropical storm na namataan ng Philippine Atmospheric Geological and Astronomical Service Administration.
Ayon sa PAGASA, ang tropical depression ay tuluyan nang naging tropical storm at binigyan ng international name na ‘Trami.’ Inaasahan namang papangalanan itong ‘Paeng’ sa sandaling tuluyan na itong makapasok sa PAR ngayong Linggo ng hapon hanggang gabi.
Sa ngayon naman, ayon sa PAGASA, ay masyado pang malayo ang tropical storm kaya’t hindi pa mararamdaman ang epekto nito sa bansa. Sa sandaling tuluyan nang maging bagyo, inaasahang maaapektuhan ng naturang tropical storm ang extreme Northern Luzon, partikular na ang mga area ng Batanes at Babuyan Group of Islands sa Biyernes.
- Latest