^

Bansa

Small-scale mining ipinatigil ng DENR

Mer Layson, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Small-scale mining ipinatigil ng DENR
Ito’y kasunod na rin ng naganap na landslide doon na dulot ng bagyong Ompong, at nagresulta sa pagkamatay ng may 54 katao habang may 42 iba pa ang nawawala.
Andy Zaata Jr.

Sa Cordillera

MANILA, Philippines — Ipinatitigil na ng De­partment of Environment and Natural Resources ang mga small-scale mining operations sa Cordillera Administrative Region.

 Ito’y kasunod na rin ng naganap na landslide doon na dulot ng bagyong Ompong, at nagresulta sa pagkamatay ng may 54 katao habang may 42 iba pa ang nawawala.

Nabatid na nagpalabas kahapon si Environment Secretary Roy Cimatu ng cease and desist order laban sa operasyon ng mga maliliit na minahan sa rehiyon.

Epektibo rin nitong Lunes ay binawi na rin ni Cimatu ang mga temporary permits na ipinagkaloob sa mga small-scale mining companies.

Plano rin umano ni Cimatu na magpakalat ng mga pulis at mga sundalo para matiyak na maipapatupad ang naturang cease and desist order.

Ang kautusan ni Cimatu ay kasunod ang naganap na landslide sa Itogon, Benguet.

Karamihan sa mga nasawi at nawawala sa insidente ay mga minero na naninirahan sa mga bunkhouse na natabunan sa pagguho ng lupa sa lugar.

Nilinaw din ni Cimatu na karamihan sa mga nagmimina ng small-scale sa Itogon at ibang parte ng CAR ay illegal at hindi mula sa Itogon kundi mula sa Ifugao habang ang mga may hawak na temporary permits para sa small scale mining ay binawi ng DENR dahil sa nangyaring landslide sa Itogon.

Samantala, sinabi naman ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na matagal nang sarado ang minahan na Benguet Corporation subalit nagbibigay ito ng temporary mining contracts sa mga small scale miners.

Umapela naman si Palangdan kay Cimatu na huwag lahatin ang pagpapatigil sa small-scale mining operations sa Benguet dahil nangyari lamang ito sa abandoned mining tunnel at may mga lugar na delikado.

Aniya, ilang ulit pinuntahan ng local police at tauhan ng munisipyo ang mga residente sa site upang lumikas dahil hindi ligtas ang nasabing lugar subalit minabuti ng mga ito na manatili sa lugar at mas pinili na manatili sa make-shift chapel na mga old mining bunkhouse bilang kanilang evacuation center.

Related video:

DE­PARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with