^

Bansa

Alamin ang kaagapay ng OFW sa perang pinaghirapan

Gerald Dizon - Pilipino Star Ngayon
Alamin ang kaagapay ng OFW sa perang pinaghirapan
Para sa OFW na pursigido, walang oportunidad ang malaki o maliit—kakayanin ang anumang trabaho, maitaguyod lang ang kanyang pamilya. Tulad na lamang ng kababayan nating mapapanood sa video, na tampok ang kanyang buhay sa Japan bilang Tokushu Seiso.
Released

Ang mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs) ay walang takot na nakikipagsapalaran sa banyagang bansa — handang mag-alay ng dugo at pawis makapagpadala lamang ng halagang magtataguyod sa kanilang mga pamilya.

Minsan, bukod sa kanilang regular na hanapbuhay, sila ay naghahanap rin ng samu’t saring sideline para may ekstrang kita. Talaga namang ang ganitong sitwasyon ay iba sa karaniwan.

Kaya nararapat lamang na may mapagkakatiwalaan silang kaagapay sa pagtitiyak na ang bawat sentimong pinaghirapan ay mabilis at siguradong nakararating sa kanilang mga mahal sa buhay, walang labis, walang kulang.

Naiintindihan ng BDO Unibank Inc. ang bawat hamong kinahaharap ng mga OFWs at ng kanilang mga kaanak. Kaya naman handog nito ang serbisyong BDO Kabayan Savings.

Mas madaling paraan ng remittance

Sa tulong ng BDO Kabayan Savings, mas maiging naisasakatotohanan ang katagang “We Find Ways.” Nabibigyang kahandaan ang mga OFW at kanilang pamilya. Halimbawa, mas lalo nang pinadali ang pamamaraan ng remittance.

Kahit saan sa mundo — mapa-Europe, Asia, North America o Middle East man ay may BDO International Offices o dili kaya’y BDO Global Partners na maaaring lapitan upang magpadala ng pera.

Dito naman sa bansa, bukod sa lagpas 4,000 na ATMS at 1,000 na branches, meron na ring BDO Cash Agad bilang channel ng mga benepisyaryo upang mag-withdraw ng remittances na hindi na kailangang dumaan pa sa bangko.

Mabilis at kumbenyenteng alternatibo ito ng pagwi-withdraw sa mga lugar na walang bangko o ATM machines. Mga establisimiyentong tulad ng suking sari-sari stores, water refilling stations, hardware stores at pawnshops ang pwedeng gawing “go-to-bank” hangga’t ang mga ito ay may Cash Agad terminals.

Sa kasalukuyan, ang Cash Agad ay may mahigit 5,000 partners sa buong bansa.

Pagbukas ng Kabayan Savings Account

Sa halagang P100 ay makapagbubukas na ng Kabayan Savings Account ang parehong OFW at ng kanyang benepisyaryo sa alinmang branch ng BDO – magdala lamang ng valid ID at 1x1 na retrato.

May kasama ng passbook at ATM debit card ang bawat account na magagamit upang ma-monitor ang bawat transaksiyong pang-remittance.

Walang maintaining balance sa BDO Kabayan savings, at mapapanatili ang “zero maintaining balance” basta lamang magamit ang account upang mag-remit nang minsan sa isang taon.

Higit sa lahat, ang bawat remitter ay maaari ring makinabang sa libreng “life and accident insurance” at, sa pamamagitan ng kanilang Rewards Program, ay makapag-iipon ng puntos na pwedeng gamitin sa pamimili.

Kuwento mula sa Japan 

Tunghayan natin sa isang video ang buhay ng isang ulirang OFW. Tangan niya hanggang Japan ang responsibilidad ng pagsuporta sa kanyang mag-anak. Sa kabila ng kanyang sakripisyo, siya ay panatag dahil katuwang niya ang BDO sa pagsasaayos ng kanyang pinansiya.

Dedikasyon ng BDO

Susi ang BDO Kabayan Savings sa mas mabunga at mas makabuluhang hinaharap. Maliban sa sulit ang pinaghirapan, sa pagkakaroon ng account, makabubuo na ng credit history sa bangko, para di kalaunan ay mas mapapadali ang aplikasyon sa paglo-loan ng perang panlaan sa bahay, sasakyan o negosyo sa bansa.

Patuloy ang dedikasyon ng BDO sa ibayong pagpapabuti ng kanilang mga serbisyo upang mapadali para sa mga OFW at ng kanilang pamilya ang pamamahala sa kanilang pinansya.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa website ng BDO Unibank, Inc. sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito.

BDO CASH AGAD

BDO KABAYAN

OFWS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with