^

Bansa

Mga dapat gawin kapag may bagyo, storm surge

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga dapat gawin kapag may bagyo, storm surge
Tinitibayan na ng lalaking ito ang bubong ng kanyang bahay sa pamamagitan ng pagtali rito bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Ompong sa Candon, Ilocos Sur.
AFP

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ni Sen. Loren Legarda ang mga dapat gawin sa sandaling maranasan na ang bagyo at storm surge base sa “Disaster Preparedness and First Aid Handbook” manual na ipinalabas ng Committee on Climate Change.

Ginawa ni Legarda ang paalala sa gitna ng pagpasok sa bansa ng bagyong Ompong.

Ayon sa handbook, ang mga nakatira sa mga lugar na may public storm warning signals ay dapat regular na i-monitor ang mga weather updates at advisories para sa evacuation.

Kapag may bagyo, dapat manatili ang lahat sa loob ng kanilang tahanan at manatiling kalmado; i-monitor ang TV at radio reports, tiyaking secure ang mga tahanan, magtungo sa pinakamalapit na evacuation center kung ang bahay ay nasa isang flood-prone area.

Dapat ding may nakahandang flashlight at radyo na may mga bagong batteries.

Pinag-iimbak din ang lahat ng pagkain, malinis na inuming tubig at first-aid supplies.

Sakaling bumaha, patayin ang main sources ng kuryente, gas at tubig.

Tiyakin din na hindi maabot ng tubig baha ang mga toxic substances at basura.

Ayon pa kay Legarda, dapat umiwas na lumusong sa baha o magtangka na tumawid sa mga rumaragasang tubig o baha.

Hindi rin dapat gumamit ng gas o electrical appliances na binaha na.

Kapag may panganib ng storm surge o biglaang pagtaas ng sea level na magdudulot ng malalaking alon, dapat umanong lumikas ang mga nakatira sa malapit sa dagat o beach.

Maari ring tumawag sa emergency hotline na 911.

LOREN LEGARDA

SUPER TYPHOON OMPONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with