Trillanes mananatili sa Senado
MANILA, Philippines — Tuluyang isinantabi kahapon ni Sen. Antonio Trillanes IV ang unang balak na umuwi na sa kanyang tahanan matapos payuhan ng ilang senador na manatili na lamang muna sa Senado.
Sa isang press conference, sinabi ni Trillanes na nananatili ang desisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na arestuhin siya matapos bawiin ni Pangulong Duterte ang kanyang amnesty at mabigong makakuha ng temporary restraining order mula sa Supreme Court.
Nauna rito, inihayag ni Trillanes na posibleng umuwi na siya sa kaniyang tahanan matapos ilabas ang desisyon ng SC na nagsasabing walang immediate na dahilan para sa TRO dahil sa mga naunang pahayag ng Malacañang at ng AFP na igagalang ang rule of law at hindi aarestuhin ang senador kung walang warrant of arrest.
Pero ayon kay Trillanes, nakakuha sila ng “categorical” na pahayag mula sa AFP na aarestuhin pa rin siya kapag lumabas ng Senado.
Nanindigan naman umano ang PNP na aarestuhin lamang ang senador kapag may lumabas ng warrant of arrest.
Isa aniyang patibong ang sinasabi ni Duterte na hindi na siya aarestuhin at igagalang ang rule of law.
- Latest