Bandila ng China iwinagayway sa Batasan

Ito ay dahil sa pagbisita ng vice-chairman ng National People’s Congress ng People’s Republic of China na si Ji Bingxuan kasama ang kanyang de­legasyon.

MANILA, Philippines — Iwinagayway kahapon ang watawat ng China sa Batasan Complex sa Quezon City.

Ito ay dahil sa pagbisita ng vice-chairman ng National People’s Congress ng People’s Republic of China na si Ji Bingxuan kasama ang kanyang de­legasyon.

Si Bingxuan ay naki­pagpulong sa mga lider ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Gloria Arroyo kasunod ito ng pagbisita rin ng Speaker sa kanilang bansa ilang araw pa lamang ang nakakaraan.

Sinabi ng Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau ng Kamara, walang dapat ipakahulugan sa pagtaas ng bandila ng China sa Batasan complex.

Ito ay pagbibigay pu­gay lamang umano sa ma­taas na opisyal ng China na nagtungo sa Kamara.

Ginagawa rin umano ito sa iba ring opisyal ng ibang bansang bumisita sa Kamara at pangtapat ito sa pagbibigay pugay din ng ibang bansa sa mga bumibisita sa kanila na opis­yal ng Pilipinas.

Show comments