MANILA, Philippines — Nagbabala ang PAGASA na posibleng maging super typhoon ang isang namataang sama ng panahon habang papalapit ito sa bansa.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Gener Quitlong, namataan sa 3,000 kilometers east of northern Luzon ang Tropical storm Mangkhut na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules o Huwebes.
Babala ni Quitlong, posibleng maging super typhoon si Mangkhut at maging kasing lakas ni Jebi na bagyong tumama sa Japan.
Sa ngayon, ang Low Pressure Area o LPA ay nasa Pacific Ocean pa lamang at magdadala ng pag-ulan sa buong Mindanao at central at western sections ng Visayas.
Samantalang may panibago ring LPA na namataan ang PAGASA at maaaring magdulot ng pag-ulan sa Batanes at Babuyan islands.
Namataan ito 130 kilometers northwest ng Basco, Batanes at posible rin maging isang ganap na bagyo at maaari rin magdulot ng pag-ulan at localized thunderstorms sa Metro Manila, Luzon at eastern section ng Visayas.