^

Bansa

Super bagyo papasok sa Pinas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Super bagyo papasok sa Pinas
Ayon kay PAGASA weather forecaster Ge­ner Quitlong, namataan sa 3,000 kilometers east of northern Luzon ang Tropical storm Mangkhut na inaasahang papasok sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) sa Miyerkules o Huwebes.

MANILA, Philippines — Nagbabala ang PAG­ASA na posibleng ma­ging super typhoon ang isang namataang sama ng panahon habang papalapit ito sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Ge­ner Quitlong, namataan sa 3,000 kilometers east of northern Luzon ang Tropical storm Mangkhut na inaasahang papasok sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) sa Miyerkules o Huwebes.

Babala ni Quitlong, posibleng maging super typhoon si Mangkhut at maging kasing lakas ni Jebi na bagyong tumama sa Japan.

Sa ngayon, ang Low Pressure Area o LPA ay nasa Pacific Ocean pa lamang at magdadala ng pag-ulan sa buong Min­danao at central at western sections ng Visayas.

Samantalang may panibago ring LPA na namataan ang PAGASA at maaaring magdulot ng pag-ulan sa Batanes at Babuyan islands.

Namataan ito 130 kilometers northwest ng Basco, Batanes at posible rin maging isang ganap na bagyo at maaari rin magdulot ng pag-ulan at localized thunderstorms sa Metro Manila, Luzon at eas­tern section ng Visayas.

TROPICAL STORM MANGKHUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with