MANILA, Philippines — Imbes na magpalabas ng hold departure order (HDO) at alias warrant of arrest, inatasan ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 si Sen. Antonio Trillanes IV na magkomento.
Sa inilabas na order na pirmado ni Makati City RTC Branch 148 Presiding Judge Andres Bartolome Soriano, binigyan nito ng limang araw si Trillanes para magkomento sa inihaing mosyon.
Itinakda naman ng korte ang pagdinig sa mosyon sa Setyembre 13.
Matatandaang naghain ng “Very Urgent Motion for the Issuance of Hold Departure Order (HDO) at “Alias Warrant of Arrest” ang Department of Justice (DOJ) laban kay Trillanes.