P1.2-B sanitary landfill sagot sa problema sa basura ng Pampanga

Ayon kay dating Board Member Mike Tapang ng Floridablanca Enviro Corp., partner ng Berjaya Philippines, hindi lamang ang problema sa solid waste ang malulutas ng itatayong sanitary landfill dahil magsisilbi rin itong waste-to-energy plant.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Hindi na magiging problema ang basura sa lalawi­gan ng Pampanga sa sandaling maitayo ang P1.2 bilyong halaga ng sanitary landfill at waste to energy plant sa Floridablanca sa 91-ektaryang property sa Barangay Pabanlag.

Ayon kay dating Board Member Mike Tapang ng Floridablanca Enviro Corp., partner ng Berjaya Philippines, hindi lamang ang problema sa solid waste ang malulutas ng itatayong sanitary landfill dahil magsisilbi rin itong waste-to-energy plant.

Siniguro naman ni Berjaya Philippines president Paulino Soo sa mga residente ng Floridablanca na walang toxic waste na lilikhain ang sanitary landfill, hindi magiging malangaw at ligtas sa kalusugan.

Wika pa ni Mr. Soo, ang sanitary landfill at waste-to-energy plant ay katulad ng Bukit Tagar Sanitary Landfill (BTSL) sa Malaysia na naitayo noon pang Abril 2005.

Idinagdag naman ni BM Tapang, ang itatayong sanitary landfill na ito sa Floridablanca ay may kakayahang tumanggap ng 1,000 toneladang basura araw-araw sa loob ng 25 taon.

Naniniwala rin ang mga local officials ng Flo­ridablanca gayundin ang provincial government ng Pampanga na ang itatayong landfill ang sagot sa problema sa basura ng lalawigan.

Show comments