MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na kasama na sa base-pay increase ang mga bagong sundalo.
Ayon kay Go, mula sa dating P14,000 ay naging P29,000 na ang entry level ng mga sundalo kaya naman marami ang mga nai-engganyong pumasok sa serbisyo.
Sinabi ni Go na sa katunayan ay aabot sa 10,000 ang mga bagong sundalo ng AFP.
Samantala, tiniyak ni Go na pagkatapos ng salary standardization ng mga guro sa 2019, ay agad na susunod ang pangakong adjustment ni Pangulong Duterte sa mga ito.
Ipinangako rin ni SAP Go na siya mismo ang magpapaalala sa Pangulo hinggil sa inaasam na salary increase ng mga guro pagkatapos ng 2019.