Gawing legal ang rice smuggling kinontra

Ayon kay Ejercito, nakakalungkot na ang nangyayari sa kasalukuyan lalo pa’t ang intensiyon ng Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 o RA 10845 ay masawata ang talamak na pagpapasok sa bansa ng smuggled na bigas, sibuyas at bawang.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kinontra kahapon ni Sen. JV Ejercito ang panukala na gawing legal ang smuggling ng bigas bilang solusyon sa nangyayaring rice shortage.

Ayon kay Ejercito, nakakalungkot na ang nangyayari sa kasalukuyan lalo pa’t ang intensiyon ng Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 o RA 10845 ay masawata ang talamak na pagpapasok sa bansa ng smuggled na bigas, sibuyas at bawang. 

Napaulat na ikinokonsidera ng National Food Authority (NFA) ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na gawing legal ang operasyon ng mga traders na kasalukuyang sangkot sa rice smuggling sa Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi (Zambazulta) area. 

Sinabi pa ni Ejercito na maituturing na heinous crime ang smuggling dahil isa itong economic sabotage.

Ipinaalala ni Ejercito na 70% ng populasyon ay nakaasa sa sektor ng agrikultura.

Non-bailable at life imprisonment din ang katapat ng mga smugglers.

Aminado si Ejercito na hanggang sa ngayon ay wala pa ring nasasampolan at isa umano itong hamon sa Department of Justice at Bureau of Customs.

Pabor din si Ejercito na itaas sa P20 per kilo ang presyo ng palay na papabor umano sa mga lokal na magsasaka.

Show comments