Duterte nanindigang ‘hotbed’ ng shabu ang Naga City

Hindi naman tinukoy ng Pangulo sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi sa Mandaue City kung sino ang bayaw ni Robredo subalit naunang ibinunyag ito ng dating Naga City Councilor Luis Ortega na si Butch Robredo ang sinasabing nagpasok ng shabu at kapatid ng nasawing da­ting DILG Sec. Jesse Robredo.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinanindigan ni Pangulong Duterte na “hotbed” ng shabu ang Naga City at inakusahan nitong ang mismong bayaw ni Vice Pres. Leni Robredo ang nagpasok ng illegal drugs sa Bicol.

Hindi naman tinukoy ng Pangulo sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi sa Mandaue City kung sino ang bayaw ni Robredo subalit naunang ibinunyag ito ng dating Naga City Councilor Luis Ortega na si Butch Robredo ang sinasabing nagpasok ng shabu at kapatid ng nasawing da­ting DILG Sec. Jesse Robredo.

“I stand by my word na [Naga] the hotbed of [shabu], brother-in-law niya ang nagdala ng drugs sa Bicol. Totoo yan. Syempre denial,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi.

Mariing pinabulaanan naman ng City Council ng Naga ang nasabing alegasyon ni Duterte na hotbed ng shabu ang kanilang lungsod.

Ito ang dahilan kaya ayaw ni Pangulong Du­ter­te na si VP Robredo ang pu­malit sa kanya kung magbibitiw ito sa puwesto dahil hindi niya kayang sugpuin ang illegal drugs at corruption.

“If I stop now my crusade against drugs and if there is no order in this place, Philippines, and corruption will continue, patay. I said you’re better off choosing a dictator in the likes of Marcos. That is what I suggested,” dagdag pa ni Duterte.

Samantala, itinanggi naman ng kampo ni VP Robredo ang pinakahuling atake ni Duterte sa bise-presidente.

“Ang kasinungalingan, ulit-ulitin man, kasinunga­lingan pa rin. Kaysa magparatang nang walang ba­sehan, kung seryoso si Duterte sa droga: imbestigahan niya ang pagpasok ng P6.8-B na shabu; hulihin niya si Peter Lim; pagtrabahuhin ang mga PNP gene­rals kaysa mag-junket sa Israel,” dagdag ng kampo ni Robredo.

Show comments