MANILA, Philippines — Posibleng mamuo sa pagitan ng Setyembre hanggang Nobyembre ang El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot sa bansa.
Ayon kay Ana Liza Solis, officer-in-charge ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, sa ngayon ay nasa neutral weather condition pa ang bansa o walang nararanasang La Niña o El Niño pero sa pagpasok ng Enero 2019, malamang na maramdaman na ang epekto ng El Niño dahil papalo na sa 78 percent ang pamumuo ng El Niño sa Setyembre.
Sinabi ni Solis na bunga nito, asahan na ang maalinsangang panahon sa pagpasok ng 2019.
Nararanasan ang El Niño dahil sa pag-init ng Karagatang Pasipiko.
Samantala, inanunsyo rin ng PAGASA na sa Setyembre ay makakaranas ang bansa ng dalawa hanggang tatlong bagyo.