^

Bansa

P5-B rice subsidy pinambayad utang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P5-B rice subsidy  pinambayad utang
Ito ang nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Davao City Rep. Karlo “Ang Probinsiyano” Nograles kung saan sinabi niya na bukod sa Commission on Audit (COA) report na nag-”red flag” sa pagpapalihis ng alokasyon para sa buffer stock ng NFA noong 2017 ay inulit na naman umano ito ng ahensya ngayong 2018 na walang pagsang-ayon o pagpayag ang NFA Council.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naipambayad umano sa utang ang may P5 bilyong rice subsidy na pambili ng buffer stocks kaya nagkaroon ng kakulangan sa bigas ang National Food Authority (NFA).

Ito ang nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Davao City Rep. Karlo “Ang Probinsiyano” Nograles kung saan sinabi niya na bukod sa Commission on Audit (COA) report na nag-”red flag” sa pagpapalihis ng alokasyon para sa buffer stock ng NFA noong 2017 ay inulit na naman umano ito ng ahensya ngayong 2018 na walang pagsang-ayon o pagpayag ang NFA Council.

Ayon kay Nograles, nakasaad umano sa COA report na imbes na gamitin ng ahensya ang P5.1 bilyong pondo para sa pamimili ng palay at pag-aangkat ng bigas, ginamit ang pera para sa pagbabayad ng kanilang pagkakautang sa Land Bank of the Philippines (P1.046-B) at sa Development Bank of the Philippines (P1.044-B).

Dahil dito kaya nabigo ang NFA na bumili ng palay mula sa mga magsasaka na siyang nagpanipis sa kanilang nakaimbak na bigas.

Mistula umanong may inutusan na pumunta sa palengke para bumili ng bigas para may pangsaing sa susunod na linggo subalit sa halip na bumili ay pinambayad ito sa utang kaya nang maghanap ng kanin ang mga anak ay wala nang maipakain.

Dahil sa natuklasan kaya muling ipatatawag ng mambabatas sa Kongreso ang NFA para sa isa pang budget hearing para pagpaliwanagin ang pamunuan ng ahensya kung bakit ipinambayad nila ng utang ang pondong dapat na ipinambili ng palay sa mga magsasaka upang pang-imbak sa kanilang buffer stocks.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

NATIONAL FOOD AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with