^

Bansa

Jay Sonza sa PCOO ‘di totoo - SAP Go

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Jay Sonza sa PCOO ‘di totoo - SAP Go
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, walang katotohanan ang napaulat na mawawala si Andanar sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

MANILA, Philippines — Fake news ang napaulat na masisibak si Presidential Communications Sec. Martin Andanar at papalitan daw ito ni veteran broadcaster Jay Sonza.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, walang katotohanan ang napaulat na mawawala si Andanar sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

“There is no truth to that,” sabi ni Go sa panayam ng Radyo Pilipinas.

Binigyang-diin pa ni Go na buo ang tiwala ni Panulong Duterte kay Andanar at sa mahusay na pamamalakad nito sa PCOO kaya walang dahilan upang palitan ito.

Itinanggi rin ni Davao City Mayor Sara Duterte sa hiwalay na panayam na magkakilala sila ni Sonza.

Itinanggi ni Mayor Sara ang nasabing report na kung saan ay sinasabing siya ang magsisilbing tulay sa pag-upo ni Sonza sa PCOO.

Samantala, sinabi naman ni Andanar na kung sakaling nais siyang palitan ni Pangulong Duterte ay maluwag niya itong tatanggapin.

“Members of the Cabinet, serves at the pleasure of the President,” pahayag ni Andanar.

JAY SONZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with