^

Bansa

Ligtas, malusog na lugar-paggawa tiniyak ng DOLE

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ligtas, malusog na lugar-paggawa tiniyak ng DOLE
Ang batas na may titulong, “An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations Thereof,” ay naglalayong amyendahan ang 41-taong Labor Code ng Pilipinas, na naglalaman ng walang kaparusahan sa mga lumalabag.

MANILA, Philippines — Tiniyak ng labor department ang mahigpit na pagtupad ng mga establisyimento sa occupational safety and health (OSH) standard kasabay ng paglagda ng batas para sa ligtas at malusog na lugar-paggawa na naglalayong patawan ng parusa ang mga lalabag dito.

Ang batas na may titulong, “An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations Thereof,” ay naglalayong amyendahan ang 41-taong Labor Code ng Pilipinas, na naglalaman ng walang kaparusahan sa mga lumalabag.

Pinapurihan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang paglagda sa nasabing batas dahil ito ay makapagbibigay ng ganap na proteksiyon sa mga manggagawa laban sa panganib sa kanilang lugar-paggawa.

Sakop ng batas ang lahat ng establisyimento, project site, kabilang ang mga establisyimento sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), at sa mga lugar-paggawa sa lahat ng sangay ng gawaing pang-ekonomiya.

Ilan sa mga pangunahing probisyon sa bagong patakaran ay ang karagdagang tungkulin ng employer, manggagawa, at iba pang indibidwal na namamahala, nagko-kontrol o nangangasiwa sa trabahong isinasagawa.

Ang hindi pagsunod o pagtanggi ng employer, contractor, o subcontractor sa pagtupad sa kinakaila­ngang OSH standard o sa compliance order na inisyu ng DOLE ay papatawan ng administratibong multa na hindi lalampas ng P100,000 kada araw hanggang sa araw na maituwid nila ang paglabag.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with