MANILA, Philippines — Hinamon kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na sabay silang sumailalim sa isang IQ test.
Ginawa ni Trillanes ang hamon sa Pangulo matapos nitong banatan ang senador at ipahiwatig na mababa ang IQ nito at ipinagtataka niya kung paano ito naka-survive sa Philippine Military Academy.
Bumuwelta naman si Trillanes at sinabing para matapos ang isyu, sumailalim sila ni Duterte sa isang IQ test.
Sa hamon ni Trillanes, dadagdagan pa ng plus 10 ang IQ ni Duterte at kung mahigtan nito ang IQ ng senador ay magbibitiw siya sa puwesto.
Ayon pa kay Trillanes, ang Pangulo ang walang maisip na solusyon sa napakaraming problem ang bansa at aminado naman itong mahina ang kokote.