De Castro, bagong SC chief justice
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong Supreme Court (SC) chief justice si Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro.
Si Department of Justice (DoJ) Secretary at Judicial and Bar Council (JBC) ex-officio member Menardo Guevarra ang nag-anunsiyo ng pagkakapili ni Duterte kay de Castro na isa sa pinaka-senior na associate justice ng SC.
Nakasama ni de Castro sa shortlist ng JBC na isinumite kay Duterte sina Associate Justices Lucas Bersamin at Diosdado Peralta.
Pero magiging maikli lamang ang panunungkulan ni de Castro sa SC dahil nakatakda itong magretiro sa Oktubre 2018, dalawang buwan matapos siyang maging Chief Justice.
Pinalitan ni de Castro ang napataksik na si dating chief justice Maria Lourdes Sereno.
Nakatakdang ilabas ng Malacañang ang pormal na appointment ni de Castro sa Agosto 28.
Pinuri naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga kay de Castro bilang bagong chief justice.
Ayon kay Roque, “best choice” si de Casto bilang bagong CJ.
Ipinanganak si de Castro, 69, sa Parañaque noong Oktubre 10, 1948.
Nagtapos siya sa pagka-abogasya sa University of the Philippines (UP) noong 1972.
Related video:
- Latest