Mandarayang rice traders, binalaan

Nakarating ang sumbong kay NFA Administrator Jason Aquino na may mga rice traders na nagsasagawa ng re­bagging at paghahalo ng NFA rice sa commercial rice para maibenta ito ng mas mahal sa merkado.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Binalaan ng National Food Authority (NFA)  ang mga rice traders na nanloloko at nananamantala sa suplay at presyuhan ng bigas sa bansa.

Nakarating ang sumbong kay NFA Administrator Jason Aquino na may mga rice traders na nagsasagawa ng re­bagging at paghahalo ng NFA rice  sa commercial rice para maibenta ito ng mas mahal sa merkado.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng NFA sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa illegal rice trade at manipulasyon ng halaga ng bigas.

Inatasan din ni Aqui­no si NFA National Capital Region Director Carlito Co bilang  NFA focal person na makikipag-ugnayan sa NBI para maisagawa ang warehouse inspection nationwide at tuloy mahuli ang mga tiwaling negosyante na nagtatago ng bigas at nag-iimbak ng NFA rice at saka ibebenta sa mas mataas na halaga.

Sa ginawang pagsusuri, may 4,774 rice traders ang nahuli na lumabag sa mga batas at patakaran hinggil sa trading laws.

Nakakolekta na rin ang NFA ng kabuuang  P1,013,256.00 mula sa multa at  penalties mula sa mga tiwaling negosyante ng bigas.

Show comments