^

Bansa

P300-M inilaan para sa bagong ospital sa Parañaque

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
P300-M inilaan para sa bagong ospital sa Parañaque
Nabatid na nitong Bi­yer­nes ay isinagawa ang ground breaking ceremony, na pinangunahan ni Mayor Edwin Olivarez, kasama ang mga opisyal at mga konsehal ng lungsod sa itatayong bagong ospital na matatagpuan sa kahabaan ng Doña Soledad Extension, Brgy. Don Bosco.
File Photo

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit sa  P300 milyon ang pondong inilaan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque para sa ipinapatayo nitong ikalawang Ospital ng Parañaque na matatagpuan sa ikalawang distrito.

Nabatid na nitong Bi­yer­nes ay isinagawa ang  ground breaking ceremony, na  pinangunahan ni Mayor Edwin Olivarez,  kasama ang mga opisyal at mga konsehal ng lungsod sa itatayong bagong ospital na matatagpuan sa kahabaan ng  Doña Soledad Extension, Brgy. Don Bosco.

Layunin nito na mapagserbisyuhan ang mga residente sa ikalawang distrito ng lungsod dahil ang unang Ospital ng Parañaque ay matatagpuan sa Brgy. La Huerta na mas malayo sa kanila.

Sabi ni Olivarez, nais ni­lang higit na paigtingin ang serbisyo publiko lalo na sa  larangan ng kalusugan, na isa ito sa mga pangunahing prayoridad ng pamahalaang lungsod.

Samantala, sa isinagawang job fair city hall na pinangunahan ng Paraña­que Public Employment Service Office (PESO) sa koordinasyon ng the Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 565 bilang ng mga aplikante ang mabibigyan ng trabaho.

Ang 385 ay “hired on the spot”, na ayon kay  Public Information chief Mar Ji­menez, nasa 96 malalaking kompanya ang nakiisa para sa isinagawang job fair ng pamahalaang lungsod.  

MAYOR EDWIN OLIVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with