‘Impeach’ vs 7 justices inihain

Santambak na mga dokumento ang bitbit nina Reps. Edcel Lagman, Teddy Baguilat at Gary Alejano para sa inihaing impeachment complaint laban sa 7 justices na nagpatalsik kay dating SC chief justice Ma. Lourdes Sereno.
Boy Santos

Nagpatalsik kay Sereno

MANILA, Philippines — Pormal nang inihain sa Kamara ng “Magnificent 7” ang impeachment complaint laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema na nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng Quo Warranto.

Kabilang sa mga ma­histrado na inireklamo sina Associate Justices Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo.

Ang reklamo ay inihain nina Albay Rep. Edcel Lagman, Akbayan Rep. Tom Villarin, Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Magdalo Rep. Gary Alejano.

Agad namang tinanggap ni House acting secretary general Roberto Maling ang nasabing mga dokumento.

Ang grounds ng impeachment complaint ay culpable violation of the Constitution at Betrayal of Public Trust dahil naniniwala ang mga kongresista na paglabag sa Saligang Batas ang pag-apruba ng Korte Suprema sa Quo Warranto petition ng Office of the Solicitor General laban kay Sereno.

Sa ilalim anya ng batas ay maaari lamang mapatalsik ang gaya niyang impeachable official sa pamamagitan ng impeachment process.

Hindi naman kasama sa kinasuhan si dating Justice Samuel Martirez dahil naitalaga na siya bilang Ombudsman kapalit ng nagretirong si Conchita Carpio Morales.

Show comments