^

Bansa

Pagsirit ng presyo ng bigas pinasisiyasat

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagsirit ng presyo ng bigas pinasisiyasat
Pinasisiyasat din ni Nograles ang posibleng pagmamanipula ng mga negosyante sa presyuhan dahil sa balita na abnormal na galaw sa presyo ng bigas.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni House Appropriations  Chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles sa National Food Authority (NFA) ang pagsirit ng pres­yo ng bigas sa bansa.

Pinasisiyasat din ni Nograles ang posibleng pagmamanipula ng mga negosyante sa presyuhan dahil sa balita na abnormal na galaw sa presyo ng bigas.

Base umano sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA), ang karaniwang presyong tingi ng regular milled rice kada kilo ay P42.26 samantalang ang karaniwang presyo ng well milled rice ay nasa P45.71 kada kilo.

Ang hakbang ng kon­gresista ay base sa natanggap niyang ulat na patuloy ang pagsirit ng presyo ng bigas sa Zamboanga at Zamboanga Peninsula na umaabot na sa ngayon sa P55 hanggang P68 kada kilo.

Paliwanag pa ng kongresista kahit pa ikonsidera ang masamang lagay ng panahon, mas­yadong mataas pa rin ang presyo ng bigas sa Zamboanga peninsula at ang ganitong paggalaw ng presyo ay nakakapagpanipis sa limitado na ngang budget ng mga pamilyang nagnanais makakain ng tatlong beses isang araw, kaya dapat itong busisiin ng NFA kung may iligal na nangyayari.

Nilinaw naman ng probinsiyanong mambabatas na nasa 120,000 bags o anim na libong tonelada na ang ibinigay ng NFA sa Region IX na sapat na umano para pigilan ang pagsirit ng presyo ng commercial rice dahil papalawakin nito ang pagpipilian ng mamimili.

Paliwanag naman ng NFA, na ang kasalukuyang pagnipis sa suplay ng bigas ay sanhi ng sunod- sunod na sama ng panahon na siyang nakakaapekto sa produksyon ng bigas at pagbiyahe nito patungo sa mga pamilihan.

Subalit may nakarating umanong impormasyon kay Nograles na may mga negosyanteng nagtatago ng kanilang bigas sa mga bodega kaya lalo pang tumaas ang presyo nito at minamanipula nila sa merkado kaya nahihirapan ang mga probinsiyano.

RICE PRICES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with