Tunay na lagay ni Duterte isasapubliko – Palasyo

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi itatago sa publiko ang tunay na kalagayan ng Pangulo dahil ito ang nakasaad sa Konstitus­yon.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na isasapubliko nito ang tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi itatago sa publiko ang tunay na kalagayan ng Pangulo dahil ito ang nakasaad sa Konstitus­yon.

Sabi ni Roque, pinatunayan mismo ni Pangulong Duterte sa pagdalo nito sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Cebu City kamakalawa ng gabi na malusog ang Pangulo taliwas sa naging alegasyon ni CPP founding chairman Jose Maria Sison na na-comatose ang Chief Executive.

Binigyang-diin ni Ro­que na tatalima sila sa itinatakda ng Saligang Batas na kung saan, dapat nilang ibigay ang karapatan ng mga Pilipino na malaman kapag may seryosong karamdaman ang Presidente ng bansa.

Gayunpaman, tala­gang wala namang sakit ang Pangulo at ang public appearance nito kamakalawa ng gabi ay isang matibay na katibayang malakas ito, walang iniinda sa katawan na kung saan, umabot pa nga sa tatlong oras ang talumpati nito.

Mensahe naman ni Roque sa mga nagpipilit na may sakit ang Pangulo, magbigti na lamang silang lahat.

Show comments