^

Bansa

‘Droga talamak sa Naga’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
âDroga talamak sa Nagaâ
Hawak ni da­ting Naga City councilor Luis Ortega ang isang listahan nang huma­rap sa media kahapon para ibun­yag ang uma­no’y talamak na iligal na droga sa naturang lungsod.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ang pagbubunyag ay ginawa ni dating konsehal Luis Ortega, matapos na ihayag kamakailan ni Pangulong Duterte na ang Naga City ay “hotbed” ng shabu.

Sa isang pulong bali­taan sa Quezon City kaha­pon, inakusahan ni Ortega si Butch Robredo, na ba­yaw ng bise presidente, at kapatid ng yumaong si dating Interior and Local Government secretary Jesse Robredo, na siya umanong responsable sa pagpapakalat ng iligal na droga sa kanilang lugar, kahit kasalukuyan itong nagtatago sa Estados Unidos.

Aniya, namamayagpag ang ipinagbabawal na gamot sa 13 sa 27 barangay sa Naga.

Binanggit din niya ang pagkawala aniya ng shabu na nakumpiska kamakailan sa isang large scale anti-illegal drugs operations na isinagawa ng PNP sa Naga kamakailan.

Alam umano ng bise presidente at ni Naga City Mayor John Bongat ang naturang iligal na aktibidad.

Nanindigan si Ortega na may sapat siyang dokumento at mga saksi upang suportahan ang kanyang mga alegasyon at ilalabas aniya ang mga ito sa tamang panahon at lugar.

LUIS ORTEGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with