^

Bansa

Nayong Pilipino gawin nang airstrip – Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Nayong Pilipino gawin nang airstrip � Sotto

MANILA, Philippines — Matapos ang nangyaring insidente na kinasangkutan ng Xiamen Airlines at pagka-stranded ng libu-libong pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), iginiit ni Senate President Tito Sotto na dapat nang ga­wing karagdagang airstrip ang property ng Nayong Pilipino bilang solusyon sa masikip na paliparan.

Naniniwala rin si Sotto na panahon na upang i-donate ng PAGCOR sa NAIA ang Nayong Pilipino.

“If they (Xiamen Airlines) have apologized then we charge it to experience. Lesson learned. PAGCOR should give Nayong Pilipino property to NAIA to convert to additional airstrips,” pahayag ni Sotto.

Samantala, pinayuhan din ni Sen. Koko Pimentel ang mga na-stranded na mga OFW na kumuha ng sertipikasyon sa mga airport at transport authorities upang maipaliwanag ang nangyari.

Mas paniniwalaan aniya ng mga naghihintay na mga employer ng mga OFW ang nangyari kung mayroong sertipikasyon.

Idinagdag ni Pimentel na may insurance naman ang Xiamen kaya dapat bayaran ang mga airlines ng Pilipinas na naapektuhan ng insidente.

vuukle comment

TITO SOTTO

XIAMEN AIRLINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with