^

Bansa

Sec. Maza nagbitiw na sa NAPC

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Sec. Maza nagbitiw na sa NAPC
Ipinabatid kahapon ni Sec. Maza ang kanyang isi­­numiteng irrevocable re­signation sa Office of the President bilang NAPC chief matapos mabasura ang double murder case na binuhay laban sa kanya at 3 militanteng dating kongresista.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbitiw na kahapon si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Sec. Liza Maza sa Duterte government.

Ipinabatid kahapon ni Sec. Maza ang kanyang isi­­numiteng irrevocable re­signation sa Office of the President bilang NAPC chief matapos mabasura ang double murder case na binuhay laban sa kanya at 3 militanteng dating kongresista.

Kabilang sa naging dahilan ng pagbibitiw ni Maza ang binuhay na kasong double murder laban sa kanya at 3 iba pang dating militanteng kongresista, pagbabalik sa kapangyarihan ng Marcoses at Speaker GMA at pagkadiskaril ng peace talks sa rebeldeng komunista.

Ikinalungkot naman ng Malacañang ang pagbibitiw ni Maza bilang NAPC lead convenor.

“We regret her departure, we wish her goodluck. Wala na­mang nagpapaalis sa kanya. It’s disappointing to know that someone who shares the trust and confidence of the President resigns. We regret her departure. We wish her the best,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Related video:

LIZA MAZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with