^

Bansa

OFWs sisibakin sa trabaho

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
OFWs sisibakin sa trabaho
Nakatulog na ang ilang stranded na pasahero sa malamig na sahig sa NAIA sa paghihintay kung kailan sila makakaalis.
Rudy Santos

Sa kanseladong flights

MANILA, Philippines — Nangangamba ngayon ang ilang OFWs na mawalan na ng trabaho o makulong dahil sa patuloy na pagkaantala ng kanilang biyahe pabalik sa pinagtatrabahuhang mga bansa makaraang 51 flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang muling nakansela kahapon.

Kabilang sa 51 flights na nakansela ang mga biyahe ng Philippine Airlines patungo sa San Francisco, USA; Riyadh, Saudi Arabia; Pusan, South Korea at biyahe ng Cebu Pacific sa Hong Kong.  

Ang kanselasyon ay epekto pa rin ng pagsadsad sa runway ng NAIA ng eroplano ng Xiamen Airlines noong nakaraang Huwebes. Nabuksan lamang sa mga eroplano ang runway nitong Sabado ng hapon.

Isa sa OFW ang nagsabi na hindi nila tiyak kung may babalikan pang trabaho dahil sa pagkakaantala ng kanilang biyahe habang isa ang nagsabi na maari na siyang makulong sa Saudi dahil aabutan na siya ng pag-expire ng kanyang “exit visa”.

Inireklamo ng mga OFW ang kawalan umano ng konkretong aksyon ng pamahalaan ng Pilipinas sa kanilang mga problema dahil sa paulit-ulit lamang ang pagpapalit ng kanilang ‘boarding pass” habang wala namang opisyal na lumalapit sa kanila para bigyan sila ng ‘update’ sa sitwasyon.

Kahapon, punumpuno pa rin ng pasahero ang NAIA kung saan dahil sa kakulangan sa upuan, sumalampak at humiga na lamang sa malamig na sahig ang karamihan upang makaidlip.

Sinabihan naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang pamunuan ng mga airlines na direktang makipag-ugnayan sa kanilang mga apektadong pasahero at ipaliwanag ang sitwasyon.

Inabisuhan naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga pasahero na may problema sa kanilang mga employers na lumapit sa kanilang “assistance center” sa NAIA upang mahanapan ng solusyon lalo na iyong mga mag-e-expire ang exit visa.

Nakatakda namang humarap sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nga­yong Lunes ang piloto ng sumadsad na eroplano para sa kaukulang imbes­tigasyon.

Nais malaman ng CAAP sa piloto kung ang pagsadsad ng eroplano ay dahil sa “force majeure” (natural na kalamidad) o “pilot’s error”.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with