National ID law may bisa na sa Agosto 25

Ang Philippine Identification System (PhilSys) Act ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 6 at nalathala sa mga pahayagan noong Agosto 9.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Magkakabisa sa Agosto 25 ang bagong batas na nagtatakda sa isang national identification system sa buong Pilipinas. Ito ang ipinahayag kahapon ng Philippine Statistics Authority.

Ang Philippine Identification System (PhilSys) Act ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 6 at nalathala sa mga pahayagan noong Agosto 9.

Ang batas ay magkakabisa pagkaraan ng 15 araw mula nang malathala sa mga babasahing may pangkalahatang sirkulasyon “Kaya sa Agosto 25 magkakabisa,” paliwanag ni PSA chief at National Statistician Lisa Grace Bersales sa isang panayam sa radyo.

Sa naturang batas pinagsasama-sama at pinag-uugnay ang maraming government ID sa pamamagitan ng pagtatatag ng-iisang pambansang identification system na tinatawag na Philippine Identification System.

Lalamanin ng Phil-ID ang mga impormasyong tulad ng PhilSys number, full name, facial image, sex, date of birth, blood type, at address.

Tina-target na makumpleto sa susunod na buwan ang mga ipapatupad na mga patakaran at regulasyon.

Show comments