Trillanes sinopla ni Bong Go
MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go si Sen. Antonio Trillanes sa hirit nito na dapat magpa-drug test si Pangulong Duterte at buong pamilya nito.
Sinabi ni Sec. Go na katatapos lang magpa-drug test ng Pangulo, dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan bilang requirement sa renewal nito ng kanyang License to Possess Firearms o LTOPF.
Ayon kay Go, pasado ang Pangulo sa drug test at neuro-test na kabilang sa mga requirements sa pagkuha ng LTOPF.
Kaugnay nito, sinabi ni Go na baka si Trillanes ang hindi pumasa sa neuro-test dahil masyado na itong obsess sa pagiging kritiko ni Pangulong Duterte.
Pinayuhan pa ni Go si Trillanes na hintayin na lang nito ang 2022 na pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte.
- Latest