Wiretapping sa drug cases lusot sa House committee

MANILA, Philippines — Lusot na sa committee level ng Kamara ang panukalang batas na pinapayagang i-wiretap ng mga otoridad ang mga hinihinalang nagtutulak ng droga at iba pang drug related cases para masolusyunan ang madalas na pagpasok ng droga sa bansa.

Dahil dito kaya ini­akyat na sa plenaryo ang panukala para maaprubahan ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Robert Ace Barbers na naglalayong amyendahan ang RA 4200  o ang Anti-Wiretapping Act.

Sakaling maisabatas, aamyendahan at palalawakin ang depenisyon ng anti-wiretapping sa smartphones, tablets at Hightech mobile communication devices at pag-exempt sa mga itinatakda ng batas  kung may kaugnayan ito sa drug trafficking.

Nabatid na 1965 pa ng likhain ang anti-wiretapping law para pangalagaan ang karapatan sa pribadong komunikasyon.

Subalit hindi maaa­ring gamitin ang nasabing batas sa mga kasong treason, espionage, rebellion, inciting to sedition at kidnapping.

Show comments