PNP full alert sa calamity areas
Sa mga lugar na binayo ni Karding, habagat
MANILA, Philippines — Nagdeklara na kahapon ng full alert status ang Philippine National Police sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad bunga ng matitinding pagbaha sa paghagupit ng bagyong Karding at habagat. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na kabilang sa mga isinailalim sa full alert, ang pinakamataas na alerto sa PNP, ang mga himpilan ng pulisya sa Cordillera Region, Region 1, III, IVA (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Nabatid na kamakalawa ng hapon ay nagdeklara na ng state of calamity ang mga lokal na opisyal sa mga apektadong lugar sa buong lalawigan ng Cavite, mga lungsod ng Marikina, Olongapo at Balanga at mga munisipalidad ng Bataan, Pangasinan, Nueva Ecija at Tarlac sanhi ng matitinding pagbaha dulot ng torrential monsoon rains.
- Latest