‘Prophylaxis panlaban sa leptospirosis’- DOH
MANILA, Philippines — Kasabay ng mga pagbahang nararanasan sa bansa bunsod ng habagat, muling nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga lumulusong sa baha kaugnay sa Prophylaxis Antibiotic o ang preventive measure upang makaiwas sa Leptospirosis. Ayon kay Duque, kahit low risk, o yung mga walang sugat na indibidwal na lumusong sa baha ay kailangan pa rin uminom ng 2 capsule ng Doxycycline sa loob ng 24-72 oras upang makasiguro.
Aniya, hindi nagbibigay ng antibiotic ang mga pharmacy nang walang reseta ng doktor kaya makabubuti na magtungo agad sa pinakamalapit na health center upang humingi ng reseta o gamot. Mayroong mga panglunas sa mga Health Centers ng bawat siyudad dahil mandato dapat ng mga pamahalaang lokal na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
- Latest