‘Wag gawing basurahan ang Manila Bay’

Ito’y matapos na lite­ral na bumaha ng basura sa Roxas Boulevard kamakalawa, nang ibalik ng malalaking alon mula sa Manila Bay ang mga basurang itinapon ng mga mamamayan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Muling nanawagan sa publiko ang environmental watchdog na EcoWaste Coalition na huwag ga­wing ‘basurahan’ ang Manila Bay.

Ito’y matapos na lite­ral na bumaha ng basura sa Roxas Boulevard kamakalawa, nang ibalik ng malalaking alon mula sa Manila Bay ang mga basurang itinapon ng mga mamamayan.

Sinabi ni Daniel Alejandre, Zero Waste campaigner ng grupo, nakalulungkot na bigo ang mga mamamayan na maunawaan ang masamang epekto ng maling paraan ng pagtatapon ng basura.

Ayon kay Alejandro, dapat nang maging wake-up call ang mga basurang ibinalik sa Roxas Boulevard ng Manila Bay para sa lahat upang magtulung-tulong na gumawa ng paraan para maging responsableng tagapa­ngalaga ng kalikasan.

Upang maiwasan naman ang pagtatapon ng mga plastic waste mate­rials, nagbigay pa ng ilang tips ang grupo.

Kabilang dito ang pagre-recycle ng mga maaari pang mapakinabangang basura, pagtatapon ng mga basura sa tamang lugar, gaano man ito kaliit, hindi pagtatambak ng basura sa labas ng ta­hanan habang wala pa ang mga kolektor ng basura, at kung kakayanin ay pagbili ng bulto o in bulk, upang maiwasan ang pagkakaroon ng sobra-sobrang packaging o sachets, na nakakadagdag lamang sa mga basura.

Show comments