MANILA, Philippines — Patuloy na dumarami ang mga Pinoy na may sakit sa kidney o bato.
Sa 2016 data ng Philippine Renal Disease Registry ay lumilitaw na tumaas ng 10% hanggang 15% ang bilang ng mga taong may chronic kidney disease (CKD) na nangangailangan ng dialysis.
Ang average life span aniya ng pasyente na may CKD ay mula tatlo hanggang apat na taon, na kailangang sustentuhan ng dialysis, at matitigil lamang ito kung maisasailalim siya sa kidney transplant.
Dahil dito, nagpagawa ang Philippine Red Cross (PRC) ng makabagong hemodialysis center sa Port Area, Maynila na nakatakdang buksan ngayong Setyembre 28.
Sinabi ni PRC Chairman, Sen. Richard Gordon, na ang kanilang lumang headquarters sa Port Area ay ginastusan nila ng P20 milyon para isailalim sa rehabilitasyon at gawing hemodialysis center para matulungan ang mga mamamayang nangangailangang magpa-dialysis.