Hiwalay na botohan sa Cha-Cha pinaplantsa na
MANILA, Philippines — Nakatakdang gawing pormal ng House Constitutional Amendments committee ang hakbang para gawing hiwalay ang botohan ng Kamara at ng Senado sa panukalang Charter Change (Cha-Cha).
Ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso, bagong talagang chairman ng komite, ipinag-utos ni Speaker Gloria Arroyo sa kanya na baguhin ang House Concurrent Resolution. No. 9 na naglalayong mag-convene ang Kongreso sa isang constituent assembly (ConAss) para sa isinusulong na amyenda sa 1987 Constitution.
Giit ni Veloso, ang kanilang hakbang ay dahil sa may pagdududa dito ang Senado lalo na tungkol sa Separately vs voting jointly.
Kaya sa bagong concurrent resolution ay ilalagay na umano na ang Kamara at Senado ay voting separately na.
Matatandaan na noong panahon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, nagbanta na siya sa mga Senador na ang pagboto ng both Houses ng Congress sa Chacha sa ilalim ng ConAss ay gagawing jointly.
Para naman kay Eastern Samar Rep.Ben Evardone, chairman ng House Committee on Banks and Intermediaries na dapat pumayag na ang Senado sa alok ni Arroyo dahil dito rin sila matetesting kung nais talaga nilang maamyendahan ang Konstitusyon.
- Latest